Sunday, May 15, 2005

Mga Simpleng Tula

Mga Simpleng Tula

Ang Sabi nila ang tunay na kaibigan ay di ka iiwan
Kaya ang sabi ko si Vj ay di ko iiwasan

Kaya kung may problema ka kaibigan
Nandito lang ako lagi mong matatakbuhan.

makmak 


Kung ikaw ang magsisilbing kandila ko sa dilim
Hindi kita sisindihan! Bakit?

Mas gugustuhin ko pang maglakad sa dilim at matinik
Kasama ka,
Kesa makarating ako sa liwanag… na tunaw ka na.

Vj

Masayang masaya ako dahil nakilala kita
Kaya habang buhay ay mamahalin kita
Salamat kaibigan at dumating ka
Dahil napuno ang puso ko ng ligaya.

makmak

Di kita malimutan bawat oras
Bawat sandali sa isip ko’y humahampas
Ang ganda mong walang kupas.

makmak

Paggising mo bukas ng umaga, hindi ka na dapat
Magisip pa ng iba, gaya nga ng sinabi ko sayo dati
Hinding hindi ka na mag-iisa pa, kahit kailan,
Iyan ang pangakong hinding hindi ko babaliin,
Hanggang sa malagutan tayo ng hininga
Mamahalin kita ng walang duda.

makmak

0 Comments:

Post a Comment

<< Home